

Ang agrikultura ay isang mahalagang sektor na may kinalaman sa sangkatauhan ukol sa pangangailangan natin sa pagkain ngayon at sa darating pang panahon, kung saan nanganganib din ito dahil sa climate change at pagdami ng tao sa mundo, at kung hindi ito natutugunan ay nakakabahala ang ating kinabukasan.
Ang IGAMA Colleges Foundation, Inc. ay naglunsad ng isang simulain na AKO Pasimula o FIRST INITIATIVE Program kung saan manghihikayat sa mga kabataan ngayon na pasimulan at pagtuunan ng pansin ang ukol sa pagtatanim o pagsasaka sa iba’t - ibang aspeto at pamamaraan para ang henerasyon ngayon pa lamang ay magkakaroon na ng kabatiran, kaalaman at kaisipang tugunan ang problema ng mundo ukol sa ating kakainin at pangangailangan sa darating na panahon.
Kaya ang PIGLAS Integrated Farm ay aming inimumungkahi at itinatatag para magkaroon ng sagot sa sambahayan natin, na ating kakanin sa hapag kainan. Ang PIGLAS ay dagliang kilos, mabilisang aksyon o tugon na may magandang produkto at pasimulan ang gawain na may mataas na pagkilala o kaalaman na tugunan ang suliranin ukol sa pagsasaka at produksyon ng pagkain sa pamamagitan ng iba’t-ibang kasanayan o kaalaman na ibabahagi sa mga nagnanais baguhin ang nakagisnan na at gisingin ang kamalayan upang sagutin ang suliranin sa pagkain at makiisa sa adhikain ng pamahalaan na pangarap ng kasalukuyang pangulo, Pangulong Ferdinand R. Marcos , Jr., sa kaniyang pangarap sa Pilipinas na ating bayan, kung saan ang Kagawaran ng Agrikultura na kanyang hinahawakan ay upang iangat ang buhay ng mamamayang pilipino at magkaroon ng sapat na pagkain at abot-kayang presyo sa hinaharap na panahon.
Naniniwala kami na makakaahon at makakagawa ng magandang resulta sa kapakanan ng mamamayan at maramdaman ang ginhawa ng buhay sa darating. Sa pamamagitan ng maayos na pamamahala at pagbibigay ng tuon sa paraan ng pagsasaka sa moderno at syentipikong antas ng aplikasyon ay magtatagumpay tayo, susulong tayo at maalwan na buhay ang ating makakamit kung ano “Ang itatanim natin ngayon, ay siyang aanihin natin bukas”.

E
M
B
L
E
M


Small Title
This is a Paragraph. Click on "Edit Text" or double click on the text box to start editing the content and make sure to add any relevant details or information that you want to share with your visitors.

Small Title
This is a Paragraph. Click on "Edit Text" or double click on the text box to start editing the content and make sure to add any relevant details or information that you want to share with your visitors.

Small Title
This is a Paragraph. Click on "Edit Text" or double click on the text box to start editing the content and make sure to add any relevant details or information that you want to share with your visitors.